September 14, 2024

Home BALITA National

Kapatid ni Alice Guo, isinalaysay paano sila nakaalis ng bansa gamit 'maliit na boat'

Kapatid ni Alice Guo, isinalaysay paano sila nakaalis ng bansa gamit 'maliit na boat'
MULA SA KALIWA: Sheila Guo at Alice Guo (Senate/YouTube; file photo)

Isinalaysay ni Shiela Guo kung ano ang mga sinakyan niya para makaalis ng Pilipinas kasama ang mga kapatid na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Wesley Guo.

Sa pagdinig ng Senado nitong Martes, Agosto 27, inilahad ni Shiela na mula sa kanilang farm sa Tarlac, sinundo silang tatlong magkakapatid ng isang van patungo sa sinakyan daw nila ng barko paalis ng bansa.

“Galing kami sa bahay tapos may sumundo sa amin na isang sasakyan, van… kumbaga after dinner, 7:08 PM, [kami umalis] at ang dating namin hating gabi na po.”

Hindi naman daw alam ni Shiela kung saang lugar sila hinatid ng van para sumakay ng barko dahil hindi naman umano niya kabisado ang bawat lugar sa Pilipinas. 

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Nang tanungin naman ni Hontiveros kung anong klase “boat” ang sinakyan nila, ani Sheila: 

“‘Yung maliit na puti.”

Pagkatapos daw nilang sumakay sa naturang maliit na puting barko, nag-transfer umano silang magkakapatid sa mas malaking barko na may fishing nets, at saka muling sumakay sa isa pang maliit na barko na kulay berde o asul bago makarating sa Malaysia.

Matatandaang noong Huwebes, Agosto 22, nang mahuli ng mga awtoridad sa Indonesia si  Sheila, kasama ang kaibigan ng pinatalsik ng alkalde na si Cassandra Li Ong, at naiuwi sa Pilipinas sa araw ding iyon.

MAKI-BALITA: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Samantala, habang sinusulat ito’y hindi pa nahahanap ng mga awtoridad si Alice, na idinadawit sa na-raid na POGO sa Bamban.