September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kamay ni Direk, may sariling buhay?' Panayam kay Ahron Villena sa Fast Talk, binalikan

'Kamay ni Direk, may sariling buhay?' Panayam kay Ahron Villena sa Fast Talk, binalikan
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YouTube)

Binalikan ng mga netizen ang naging panayam sa Kapuso actor na si Ahron Villena nang bumisita siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Marso 2024 kasama ang isa pang Kapuso actor na si Luke Conde.

Dito niya unang nakuwento ang tungkol sa karanasan niya sa isang direktor na umano'y nagparamdam sa kaniya ng sexual exploitation.

Naikuwento niya ang ginawa ng direktor na siya ang naglagay ng plaster sa kaniya para sa cameo role niya sa isang pelikula.

Naramdaman daw ni Ahron ang pagdikit ng mga kamay ni Direk sa kaniyang notches pero hindi na lang daw siya kumibo dahil sa respeto niya rito.

Tsika at Intriga

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?

Kaya nitong Agosto 26 ay usap-usapan ang muling pag-ungkat ni Ahron sa nabanggit na karanasan, matapos daw niyang mabasa ang isang post na sinabi raw ng direktor na matagal nang kalakaran sa showbiz ang sexual harassment at sexual abuse.

MAKI-BALITA: 'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?

Nagkataon namang lumabas ang panayam at ulat ng PEP sa naging reaksiyon at komento ni Direk Joel Lamangan sa naging paghahabla ng GMA Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil nga sa naranasang sexual harassment, sa gabi ng GMA Gala 2024.

MAKI-BALITA: Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?

Ipinagtanggol pa ni Direk Joel ang dalawa at sinabi niyang kilala niyang mababait ang dalawang akusado.

Lalo pang tumibay ang mga espekulasyon ng netizens na si Lamangan ang tinutukoy ni Villena, nang i-share ng direktor na si Darryl Yap ang kontrobersiyal na post ng aktor.

MAKI-BALITA: Away na 'to! Darryl Yap, gustong i-tag si Joel Lamangan sa pasabog ni Ahron Villena

Banat ni Yap, gusto raw sana niyang i-tag si Lamangan pero matagal na siya nitong na-block sa Facebook, noon pang 2022.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Direk Joel patungkol dito. Napapanood siya bilang "Roda" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."