November 26, 2024

Home BALITA National

Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes, Agosto 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, MIMAROPA, Cavite, Batangas, at Antique.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Bukod dito, inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, mga natitirang bahagi ng CALABARZON at Visayas.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din ang inaasahang maranasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR).