December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Santos, lumuwag-dibdib matapos pangalanan ang umabuso sa kaniya

Gerald Santos, lumuwag-dibdib matapos  pangalanan ang umabuso sa kaniya
Photo Courtesy: Gerald Santos (FB)

Naghayag ng kaniyang naramdaman ang dating Kapuso singer na si Gerald Santos matapos niyang humarap muli sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media

Sa Facebook post ni Gerald nitong Martes, Agosto 27, sinabi ni Gerald na lumuwag umano ang dibdib niya dahil sa wakas ay nagawa na niyang pangalanan ang musical director na umabuso sa kaniya. 

“Ang luwag sa dibdib ko ngayon na aking pinangalanan na ang umabuso sa akin kanina sa Senado.. Unti unti ay nakakamit ko na ang hustisya at dadalin nanamin ito sa hukuman,” saad ni Gerald. Ang akin pong paglabas tungkol dito should not be a lost cause,” saad ni Gerald.

“Ito sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga biktima ng Sexual Abuse na hindi ninyo kailangang matakot dahil now more than ever ay naaalis na ang stigma at pangmamata sa mga biktima ng ganitong karahasan,” sulat niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “Sa mga taong gumagawa ng hindi tama at inaabuso ang kanilang posisyon, bilang na ang mga araw ninyo. This is a stern warning sa inyo na walang lihim ang hindi mabubunyag!”

Gayunman, sa kabila ng nangyari ay kinilala pa rin ng dating Kapuso singer ang GMA bilang kaniyang tahanan, sandigan at pader noong siya ay nagsisimula pa lamang na mangarap.

Pinasalamatan naman ni Gerald ang lahat ng mga nagbibigay ng message of encouragements at suporta sa gitna ng kinakaharap niyang laban.

“Naaappreciate ko po ang lahat ng messages nyo sadyang hindi ko lang masagot sa dami,” sabi pa niya.

MAKI-BALITA: Sa kabila ng nangyari: Gerald Santos, proud na naging Kapuso dati