October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Coco Martin at Carlos Yulo, nagkaharap; ipasok kaya sa Batang Quiapo?

Coco Martin at Carlos Yulo, nagkaharap; ipasok kaya sa Batang Quiapo?
Photo courtesy: ABS-CBN News (FB)

Dumalaw ngayong araw ng Martes, Agosto 27, si two-time Olympic gold medalist at Filipino gymnast Carlos Yulo sa ABS-CBN upang dalawin ang mga "Kapamilya."

Mainit na sinalubong si Carlos ng mga Kapamilya staff at empleyado nang dumating siya sa ABS-CBN compound. Dumiretso si Yulo sa ABS-CBN Newsroom.

Nagsadya si Caloy sa ABS-CBN kasama ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion, para sa ilang TV guestings.

Sinalubong din siya ng ABS-CBN executives na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, at ABS-CBN COO for Broadcast na si Cory Vidanes. 

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Isa sa mga sumorpresa sa kaniya si "FPJ's Batang Quiapo" lead star at direktor na si Coco Martin.

"Puwede pa-picture po?" hirit ni Carlos kay Coco na pinaunlakan naman ng huli. 

Hirit tuloy ng mga netizen, sana raw ay mag-guest o magkaroon ng cameo role si Carlos sa nabanggit na action-drama series.

Napapaisip tuloy ang mga netizen kung papasukin na rin ba ni Carlos ang pag-aartista.

Nauna nang bumisita si Caloy sa GMA Network, isang araw matapos ang pagbabalik-Pilipinas nilang mga Filipino Olympians.