September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Parinig kay Harry Roque? Vice Ganda nagbiro tungkol sa 'kadiliman vs. kasamaan'

Parinig kay Harry Roque? Vice Ganda nagbiro tungkol sa 'kadiliman vs. kasamaan'
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube channel)/Harry Roque (FB)

"Updated si Meme!"

Iyan ang sigaw ng mga netizen sa X matapos ipakalat ang video clip ni Unkabogable Star Vice Ganda matapos niyang magbitiw ng biro habang nagho-host ng "EXpecially For You" sa noontime show na "It's Showtime."

Binanggit niya kasi ang "kadiliman versus kasamaan" na kamakailan lamang ay pinag-usapan sa viral video ni Atty. Harry Roque, matapos madetine ng 24 oras sa House of Representatives dahil umano sa "pagsisinungaling."

Nang makalaya, agad siyang nagtalumpati sa kaniyang mga tagasuporta sa EDSA.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

"Hindi na po ito laban ng Duterte-Marcos. Ang laban po ngayon ay puwersa ng kadiliman laban sa puwersa ng....”

“Kasamaan!” sigaw ng supporters.

Mabilis naman itong tinama ni Roque at maging ng supporters. "Kabutihan!"

Agad naman itong ginawan ng memes sa social media.

"Wala po tayong winner tonight," mababasa sa caption.

Ibinahagi rin ito ng labor leader at dating presidential candidate na si Ka Leody De Guzman. 

"Tanong: May 'choice' ba sa pagitan ng kadiliman at kasamaan?"

"Sagot: Wala!"

"No to Marcos and Duterte. No to political dynasties. Give us a chance for a pro-worker, pro-poor government, not a choice for the lesser evil!" giit niya. 

Facebook