September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?

'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?
Photo courtesy: Ahron Villena (FB)/Joel Lamangan (Entertainment Web)

Usap-usapan ang naging makahulugang post ng Kapuso actor na si Ahron Villena matapos palagan ang post ng isang direktor na matagal nang nangyayari at kalakaran sa showbiz ang sexual harassment at sexual abuse.

Ayon kay Ahron, isa siya sa mga na-exploit noong bagito pa siya sa showbiz. Ibinahagi ng aktor ang umano'y pagpasok ng isang direktor sa comfort room habang nilalagyan siya ng plaster sa private part, dahil may cameo role siya sa isang pelikula.

"Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!" saad ni Ahron sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Agosto 25. 

Ahron Villena - Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga... | Facebook

Tsika at Intriga

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?

Pinaalis daw ng di-binanggit na direktor ang staff na tumutulong sa kaniya, at ito ang naglagay ng plaster. Naramdaman daw ng aktor ang sinasadyang pagdampi ng mga kamay ng direktor sa kaniyang notabels. Hindi na lang daw kumibo ang aktor dahil nirerespeto niya ang direktor na kilala sa industriya.

Bagama't walang binanggit na pangalan, agad na tinukoy ng mga netizen na ito ay si Direk Joel Lamangan, dahil kamakailan lamang ay nahingan siya ng pahayag patungkol sa isyu ng sexual harassment sa showbiz.

Aniya sa ulat ng PEP, matagal nang nangyayari ito at panahon pa ng kopong-kopong ay marami na raw sumikat na aktor ang dumaan sa kamay ng mga beks.

Sinabi rin niya na kilala niyang mababait na tao ang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz na kinasuhan ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach, anak ng batikang aktor na si Niño Muhlach.

Si Direk Joel ay kasalukuyang bahagi ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" at kinaaaliwan ang kaniyang pagganap bilang si "Roda."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang direktor tungkol sa isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.