September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Away na 'to! Darryl Yap, gustong i-tag si Joel Lamangan sa pasabog ni Ahron Villena

Away na 'to! Darryl Yap, gustong i-tag si Joel Lamangan sa pasabog ni Ahron Villena
Photo courtesy: Ahron Villena, Darryl Yap (FB)/Screenshot from FPJ's Batang Quiapo (YouTube channel)

Makahulugan ang Facebook post ng direktor na si Darryl Yap kaugnay sa kontrobersyal na post ng Kapuso actor na si Ahron Villena.

Isiniwalat kasi ni Ahron na nakaranas din siyang ma-exploit ng isang direktor sa showbiz noong baguhan pa lamang siya. Natrigger ang aktor na magsalita na rin nang makita raw niya ang isang post patungkol sa pahayag ng direktor na matagal nang nangyayari sa showbiz ang sexual harassment.

Isa raw siya sa mga nakaranas na maexploit sa kamay ng direktor. Isinalaysay niya kung ano ang naranasan niya na may kinalaman sa pagkakabit ng plaster sa kaniyang private part, nang minsan siyang magkaroon ng cameo role sa isang pelikula.

MAKI-BALITA: 'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bagama't walang binanggit na pangalan, agad na bumalandra kay Direk Joel Lamangan ang post, dahil sa naging panayam at ulat ng PEP tungkol sa tingin o opinyon niya sa mga nangyayaring isyu ng sexual harassment sa showbiz.

Gumatong na nga rito si Direk Darryl na gusto raw sanang i-tag si Direk Joel, pero matagal na raw siyang binlock noon pang 2022, simula nang magkatapatan sila ng pelikula sa takilya.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa matapos batikusin ni Lamangan ang pelikulang "Maid in Malacañang" noong 2022, na nagsasalaysay patungkol sa pamilya Marcos tatlong araw matapos sumiklab ang EDSA People Power I Revolution. Dahil dito, naglabas ng pelikula si Direk Joel na pinamagatan niyang "Oras De Peligro" noong 2023, na nagpapakita naman sa mga ganap noong Batas Militar, sa administrasyon ni dating Pangulong Marcos, Sr.  

Mababasa sa caption ng post ni Darryl, "itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang artistang siya ang nagpaplaster ng titi, kaso naunfriend nya na ako nung 2022. sayang naman."

Darryl Yap - itatag ko sana si Direk Joel Lamangan at ilan pang... | Facebook

Hindi naman tinukoy ni Yap kung bakit si Lamangan ang ita-tag niya, pero dahil sa post na ito, lalo tuloy lumutang ang espekulasyong ang nabanggit na direktor nga ang pinatutungkulan ng banat ng aktor. 

Dagdag pa ni Direk Darryl, "anlalakas mag-imbento at magkabit sa pangalan ko as Sexual Predator— pero itong mga totoong pangyayari, tahimik. mga walang pinagkatandaan."

MAKI-BALITA: Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Direk Joel Lamangan patungkol dito. Wala ring pagtutuwid o pahayag na inilalabas si Ahron para linisin ang pangalan ng direktor, na espekulasyon ng mga netizen ay pinatatamaan daw niya. Bukas ang Balita sa kanilang panig.