September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Video ni Bea Borres habang hubo't hubad na naliligo, ikinalat ng kuya niya

Video ni Bea Borres habang hubo't hubad na naliligo, ikinalat ng kuya niya
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT), Freepik

Shocking ang rebelasyon ng social media personality na si Bea Borres patungkol sa growing up stage nila ng kaniyang kuya. 

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 25, sinabi niya na bagama’t sobrang proud daw siya sa small achievements ng kuya niya ngayon, hindi raw sila nito okay noon.

“Sobrang proud ako sa mga small achievements niya pero growing up hindi naging okay 'yong relationship namin. [...] So vinideo-han niya 'ko while taking a bath, yes, naked. I think I was 13, 14,” paglalahad ni Bea.

“And then he took a video of me and then he sent it to his friends for, I don't know, for money? For fun? ‘Di ko alam e," wika niya.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Ayon kay Bea, natuklasan umano niya ang tungkol dito noong minsan niyang hiramin ang cellphone ng kuya niya.

“Ayaw ko pa po maniwala pero CR namin 'to, a. Tapos nakita ko. 'My God, katawan ko.' Sabi ko: 'Kuya, what's this?' Ta's hindi siya makasalita. Sabi niya, 'I'm sorry. I'm sorry, Bea,” aniya.

Dagdag pa niya: “Ta's nagwawala na po ako, Miss Toni. Ta’s ‘yong tito ko nagwawala rin ta’s 'di na po siya makaimik kasi parang siguro narealize niya na mali din ginawa niya. 

Hanggang sa nagpasyang umalis ang kuya niya na ikinabahala ng lahat. Batay kasi sa kuwento ni Bea, may bipolar din umano ang kuya niya, kagaya ng kanilang ina.

Kaya naman, habang lumalaki, mahirap daw para sa kaniya ang sitwasyon ng pamilya niya. Bago pa raw kasi ang nasabing insidente ay may mga pagkakataon daw na hinihipuan siya ng kaniyang kuya. 

Gayunman, okay na raw ngayon si Bea. In fact, noong minsan daw siyang tanungin ng mga magulang niya kung gusto raw ba niyang ipakulong ang kuya niya, tumanggi siya. Iminungkahi na lang niya na ipakonsulta ang kalagayan nito sa espesyalista.

“Sobrang nangingibabaw ‘yong love and forgiveness ko,” saad ni Bea.