December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Straight ba si Bimb? Journo, may nilinaw sa sekswalidad ng anak ni Kris Aquino

Straight ba si Bimb? Journo, may nilinaw sa sekswalidad ng anak ni Kris Aquino
Photo courtesy: Dindo Balares (IG)/Screenshot via StarVibes TV (YouTube)

Pinabulaanan ng journalist at close friend ni Queen of All Media Kris Aquino na si Dindo Balares ang tungkol sa naiisyung sekswalidad ng bunsong anak ni Krissy na si Bimby Aquino.

May kumakalat kasing fake post na umano'y nagpakasal na raw si Bimb sa kaniyang same-sex partner, pero eventually, ang isa sa couple ay hindi naman ang anak ni Kris at medyo may resemblance lang.

Pero bago pa man kumalat ang fake post na ito ay matagal nang naiisyu ang tungkol sa sexual preference ng anak ni Kris sa dating asawang si James Yap, at matagal na rin niyang nilinaw na straight siya. Hindi kasi maiwasang gawing isyu ng mga netizen ang "malambot" na kilos at pananalita ni Bimb, na kuhang-kuha raw sa nanay niya, na kasa-kasama niya simula pagkabata hanggang sa binatilyo na nga siya ngayon.

Mismong ang inang si Kris pa nga ang nagtanong sa anak kung straight ba ito. Sagot ni Bimb, oo at alam daw niya sa sarili niyang babae ang gusto niya.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, nagsalita na sa inisyung 'May ABS pa ba?'

Bagay na sinegundahan naman ni Balares sa kaniyang social media posts.

Diretsahan kaagad ang pamagat ng kaniyang posts: "STRAIGHT SI BIMB."

“Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa akin (kahit madaling araw) kung si Bimby raw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news.”

"Imagine, kung pati journalists nga nagdadalawang-isip at halos mapaniwala na ng fake news, e, di lalo na ang publiko."

"Sa comment threads, as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi."

"Sa photos — na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple — parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media. Pero hindi si Bimb ‘yan, aniya pa.

"Kagamit-gamit para kumita sa social media."

"Pero hindi si Bimb 'yan."

Dagdag pa ni Balares, may mga kaibigan daw siyang alam "umamoy" kung may itinatago ang isang lalaki patungkol sa kaniyang sekswalidad. Sa tagal daw niyang manunulat ng showbiz/entertainment news, kahit paano ay marunong na siyang "mangaliskis."

"Napakarami kong kaibigang gays at madalas silang magkuwentuhan kung tunay na lalaki o closet queen ang isang mhinchung. (Anlumang word! Hahahaha! Sor'na agad, mga kafatid! Hahahaha)."

"Noong bagong salta ako sa showbiz, naranasan kong ma-scrutinize muna ng mga batikan at beteranong showbiz writers kung straight ba talaga ako o ateng din."

"Sa titulo ng pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang, napatunayan ko namang sakto lang. Hahahaha!"

"Sa tagal ko sa entertainment beat, natuto ako sa mga katoto kung paano 'umamoy' ng closet queen."

"'Pag nakita mong may yearnings sa mata, 'wag ka nang magduda," sabi noon sa akin ni Isah Red. (God bless you, my friend.)

"Marami pang tips akong nakuha, pati na sa iba pang mga katoto."

"So, di maiiwasang may exams. May ituturo silang artista, especially young actors (newcomer), at pahuhulaan sa akin kung tunay na lalaki o bading. Mataas ang batting average ko, almost 100%."

Kaya pagdidiin ni Balares, "Straight si Bim. Sandali nga! Mabuti pa siguro siya muna ang ikuwento ko, patalastas sa series ng posts tungkol sa kanyang Mama Kris."

Sa isa pang Instagram post ay sinabi ni Balares na bata pa lamang si Bimby ay nakikita na niya ito at nakaka-bonding, kaya alam niya kung straight ito o hindi.

"Alam ko kung paano tumingin ang lalaki sa attractive girls. Nakikita ko ito kay Bimb. Kaya malakas ang loob kong sabihin na straight siya," ani Balares.

Bukod dito, pinuri din ni Balares ang ugali ni Bimb na nakuha niya sa kaniyang ina.

"May flair si Bimb sa pakikitungo sa kapwa. Sincere, natural, genuine, at elegante ang pakikipagkaibigan niya. Nasubaybayan naman sa social media ang happy posts ng iba't ibang tao na dinalaw nila ni Kuya nang umuwi siya..."

"Kung paano mag-estima at mangumusta si Kris, ganoon din si Bimb. Very warm at intelihenteng makipag-usap. Genuine na gustong malaman kung ano ang updates sa pagbabalik ko sa agriculture... dagdag pa niya.