September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sey mo Marian? Dingdong, iniisyung 'di raw tunay na tatay ng panganay nila

Sey mo Marian? Dingdong, iniisyung 'di raw tunay na tatay ng panganay nila
Photo courtesy: via Balita

Grabe na talaga ang fake news peddlers sa social media ngayon, ha!

Naglipana ang mga kung anik-anik na pekeng quote cards, videos, at posts na naglalathala ng mga pekeng balita lalo na patungkol sa buhay ng mga artista at celebrity.

Iyan ang hot topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa entertainment vlog nilang "Ogie Diaz Showbiz Update" nitong Agosto 24.

Isa umano sa mga nabibiktima ng fake news ngayon ay sina Kapuso Royalty couple Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

Ang isyu?

Kesyo hindi raw si Dingdong ang tunay na tatay ng panganay na anak nila ni Marian, na si Zia Dantes.

Naloka naman ang hosts sa mga paandar na ito sa social media na tila walang takot na puwede silang makasuhan ng cyber libel kapag nagkataon, kagaya nang ginawa ng batikang aktor na si Mon Confiado sa isang vlogger na gumawa ng kuwento patungkol sa kaniya, na eventually ay sising-sisi na raw sa ginawa niya, at nakikiusap sa aktor na i-urong na ang demanda.

Pero pursigido si Mon na sampolan ang mapanirang vlogger para magsilbing leksyon sa iba pa.

Going back sa mag-asawang Dantes, naiisyu ngang hindi raw si Dong ang tatay ni Zia na panganay nila ni Yan.

Ipinakita pa nina Ogie ang screenshot ng page na nagbalita nito.

Ang pangalan ng channel ay "Showbizfinds."

Photo courtesy: Screenshot from Showbizfinds (FB)

Nakakaloka dahil mababasa rito na lumantad na raw si Dingdong sa isang panayam at emosyunal na isiniwalat ang katotohanan patungkol kay Zia.

Nilinaw nina Ogie na fake news ang balitang ito at fake news peddler ang nabanggit na page, na may higit 200k followers pa mandin.

Kaya babala ni Ogie sa netizens na mas maging maingat sa mga nababasa online, at maniwala lamang sa mga lehitimong pahayagan kagaya ng Manila Bulletin at iba pa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Dingdong at Marian tungkol dito.