September 21, 2024

Home BALITA National

Risa Hontiveros, ipinaliwanag bakit 'isang kaibigan' si Kiko Pangilinan

Risa Hontiveros, ipinaliwanag bakit 'isang kaibigan' si Kiko Pangilinan
Senador Risa Hontiveros at dating Senador Kiko Pangilinan (Facebook)

Nagbigay ng dahilan si Senador Risa Hontiveros kung bakit daw maituturing si dating Senador Kiko Pangilinan na “isang kaibigan.”

Sa kaniyang video greeting sa kaarawan ni Pangilinan nitong Sabado, Agosto 24, sinabi ni Hontiveros na sa matagal na panahon ay patuloy raw itong nagsisilbing tanglaw ng pag-asa sa bansa.

“Si Kiko ay isang kaibigan dahil sa mahabang panahon ng pagiging kapwa-mambabatas, minsan campaign manager din namin sa Senate slate, at ngayon patuloy na nagtataguyod ng torch ng pag-asa sa ating bayan,” ani Hontiveros. 

“Hindi po nawala ‘yung personal touch niya sa aming working relationship din. Maraming salamat Kiko, para doon,” dagdag niya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Ini-endorso ni Hontiveros ang pagtakbo ni Pangilinan bilang senador ng bansa sa susunod na taon, kasama sina dating Senador Bam Aquino at human rights lawyer Atty. Chel Diokno. 

MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, tatakbong senador para sa 'better future' ng mga Pinoy

MAKI-BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025