May pabirong hirit si dating Hashtag member McCoy De Leon sa “FPJ’s Batang Quiapo” co-star niyang si Yuki Takahashi na namaalam na sa nasabing serye.
Sa isang Instagram story kasi ni McCoy ay ni-reshare niya ang TikTok video nila ni Yuki habang tila pinapagalitan siya nito.
Sey tuloy ni McCoy: “Kabaligtaran po ang ugali namin sa totoong buhay. Siya po talaga ang salbahe.”
Sa “Batang Quiapo” kasi ay ginagampanan ni McCoy ang karakter ni David na matapos buntisin ang karakter ni Yukii na si Camille ay inetsa-pwera at pinabayaan na.
In fact, si David pa nga ang dahilan kung bakit namatay si Camille. Nang tangkain kasi nitong pigilan ang kasal niya kay "Katherine" na ginagampanan naman ni Ara Davao ay tinuluyan niya si Camille.
Marami naman sa mga netizen ang nalungkot sa pagpanaw ng karakter ni Camille dahil inaabangan pa naman daw nila ang panganganak nito, na halos isang taon na ring buntis.
Pero sa isang panayam ni Yukii noong Hulyo ay ipinaliwanag niyang 40 days pa lang umano siyang nagdadalang-tao.
MAKI-BALITA: Di pa nga nanganganak: Camille, tsinugi na sa Batang Quiapo