September 19, 2024

Home SPORTS

Kumita ng higit ₱82k: Longganisa ni Angelica, mabenta!

Kumita ng higit ₱82k: Longganisa ni Angelica, mabenta!
Photo courtesy: Freepik/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nagpasalamat ang ina ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa mga sumuporta sa kaniyang panindang longganisa, na kaniyang pinagkakakitaan ngayon.

Bida ni Angelica, nasa 218 kilos ng longganisa ang naibenta niya simula nang mag-post siya sa kaniyang social media account at page.

MAKI-BALITA: Nanay ni Carlos Yulo, nagtitinda ng longganisa?

₱380 per kilo ang tinda ni Angelica sa longganisa kaya kung 218 kilos ang naibenta niya, pumalo sa ₱82,840 ang kabuuang kita niya rito!

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

"218 kilos of longganisa sold. Thank you sa support mga besh. Still available just pm my page @YULOVES food haven," aniya pa.

218 kilos of longganisa sold. Thank you sa... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Natuwa naman ang "Team Nanay" at sinabing sana ay patuloy na suportahan ang madir ni Caloy lalo na ngayon na bali-balitang hindi pa sila nakakapag-usap ng anak simula nang manalo ito.