September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Binabaan tuloy!' Tinawagan ni Willie sa Wil To Win, 'Family Feud' pinapanood

'Binabaan tuloy!' Tinawagan ni Willie sa Wil To Win, 'Family Feud' pinapanood

Laugh trip ang hatid sa mga netizen at viewers ng "Wil To Win" matapos makausap ng host nitong si Willie Revillame ang isang contestant sana, subalit binabaan niya ng telepono dahil katapat na programa niya ang pinapanood.

Saad ni Willie habang kausap ang babae sa telepono at naririnig on-air, nakatanggap daw siya ng mensahe mula sa babaeng kausap na nais nitong maglaro sa Wil To Win at nagbabaka-sakaling manalo upang makadagdag sa kaniyang pang-araw-araw na gastusin.

Nagtanong naman ang babae kung sa aling programa galing ang kausap niya.

"Saan po ba kayong programa?" untag ng babae sa kabilang linya.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

"Programa? Eh ano bang pinapanood n'yong programa?" balik na tanong ni Willie.

"Sa GMA po, Family Feud," walang gatol na saad ng babae na ikinatawa na lamang ni Willie at ng studio audience.

"Ay gano'n ba? Family Feud? Eh sayang po, Wil To Win 'to. Eh salamat po. Sayang no? Sana magwi-Wil To Win kayo. Sige po enjoy watching Family Feud, ba-bye!" saad ni Kuya Wil sabay pindot ng end call sa telepono.

"Oh 'di ba? Pero sumulat siya sa akin, gusto niyang sumali sa Wil To Win dahil ako po ay nagbabaka-sakali po..." basa pa ni Willie.

Hirit pa ni Willie, kung hindi naman pala nanonood sa Wil To Win ay doon siya manood sa Family Feud. 

Sayang naman!