September 16, 2024

Home SHOWBIZ

Anak ni Jose Manalo, napagkamalang si Jay Manalo ang ama

Anak ni Jose Manalo, napagkamalang si Jay Manalo ang ama
Photo Courtesy: via Balita, Benj Manalo (FB), Screenshot from Aster Amoyo (YT)

Nakakaloka ang ibinahaging kuwento ng anak ni Jose Manalo na si Benj Manalo tungkol sa inakala raw niyang tunay niyang ama.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Benj na akala raw talaga niyang tatay niya ay si sexy-dramatic actor Jay Manalo.

“I remember no’ng nakilala ko si Daddy [Jose], I was 4th year high school. Ang akala kong tatay ko talaga no’n was si Jay Manalo. Hindi si Jose Manalo,” saad ni Benj.

“And no’ng nakita siya sa school na si Jose Manalo ‘to, parang iba agad ‘yong yabang ko. So what more kung ‘di ko napagdaanan ‘yon? For sure, siguro ngayon, mayabang na mayabang ako,” dugtong pa niya.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

“Pero, sandali. Seryoso ang akala mo ang tatay mo si Jay?” paniniyak ni Boy.

Yes, nagkahiwalay kasi sila ng mom ko when I was 2 years old. And then ang alam ko lang ang tatay ko was nagtatrabaho sa industry. And nag-start sa letter “J.” Ang kilala ko lang that time was si Jay Manalo.

Ayon pa kay Benj, dumating umano sa puntong kinausap daw niya si Jay. Pinakilala raw kasi siya rito nina Joel Torre at Cherry Pie Picache. At inakala rin daw nito na totoong anak niya si Benj.

Matatandaang si Benj ay isa sa limang anak ni Jose sa nasira nitong asawang si Ann Lyn na pumanaw noong Enero 14, 2022.