September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pa-necklace ni Heart kay Panda, hindi hiram at pag-aari niya; may pinatamaan ba?

Pa-necklace ni Heart kay Panda, hindi hiram at pag-aari niya; may pinatamaan ba?
Photo courtesy: Vogue Philippines via Pia Wurtzbach (IG)/Heart Evangelista (IG)

Nagsalita na ang Kapuso star at fashion socialite na si Heart Evangelista-Escudero patungkol sa pinag-usapang pagpapasuot niya ng luxury necklace sa pet dog aspin na si Panda.

Bagama't maraming napa-wow at napa-sanal all, marami rin ang umintrigang kesyo nagpapatutsada raw si Heart kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na endorser ng Bvlgari necklace, na nagkataon namang ipinasuot niya mismo kay Panda.

Hanggang ngayon kasi ay tila may "iringan" pa rin ang dalawa at pilit na pinagsasabong ng kani-kanilang fans. Nag-ugat ito sa pagkuha ni Pia sa dating glam team ni Heart na nakasamaan niya ng loob. Isa pa, parehong umeeksena sa global fashion world ang dalawang Pinay, na halos laging laman ng fashion week sa ibang bansa.

Anyway, paglilinaw ni Heart sa panayam ni Nelson Canlas na iniulat sa 24 Oras ng GMA Network, isipin na raw ng iba ang gusto nilang isipin subalit gagawin daw niya ang gusto niyang gawin sa necklace na hindi raw niya hiram, at binili niya noon pang panahon ng pandemya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sinadya raw niyang pasuutan ng necklace si Panda upang ipakita sa lahat na kapag mahal mo ang isang tao o bagay gaya ng pet dog, ibibigay mo rito ang best. Gusto nga raw talaga niyang mapansin at makarating sa Paris ang kaniyang post. Aminado si Heart na spoiled sa kaniya si Panda.

Kung susuriin ang mga naging sagot ni Heart ay tila wala siyang pinabulaanan o inamin patungkol sa isyu ng pagpaparinig.

"I'm a very candid person, I'm transparent, honestly I love my dogs... anak ko 'yon eh! I wanted to set an example na ang aspin, they are special kind of breed na sariling atin, so iniispoil ko talaga siya. In fact, ang aking goal talaga is makarating siya sa Paris. 

Ipinagdiinan ni Heart na hindi niya hiniram ang kuwintas at ipasusuot niya ito kung kanino niya gusto. 

Sabi pa niya, palaban at marunong na siyang "mangagat" ngayon dahil ang mga tatahi-tahimik ay mas inaapak-apakan. Sawa na raw siya na lagi na lang siyang nagpaparaya. 

"At the end of the day, you know, kailangan naman din minsan, dapat palaban ka rin. Alam ko na rin kung paano 'pag hindi ka masyadong palaban, talagang natatapakan ka, so I bite now, in a very sweet way, pero masakit," makahulugang pahayag ni Heart. 

MAKI-BALITA: Sey mo, Pia? Heart nagsalita sa isyu ng mamahaling kuwintas ni Panda

MAKI-BALITA: 'Nagkataon lang?' Luxurious brand ng necklace na iniendorso ni Pia, suot ng aso ni Heart?