September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Netizens, naurat sa pekeng tukaan nina Barbie at David sa 'Pulang Araw'

Netizens, naurat sa pekeng tukaan nina Barbie at David sa 'Pulang Araw'
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pekeng kissing scene nina Kapuso stars Barbie Forteza at David Licauco sa historical drama series na “Pulang Araw.”

Sa X post ni Barbie noong Biyernes, Agosto 23, ibinahagi niya ang kaniyang naramdaman sa nasabing tukaan nila ni David.

“Actually habang iniintay namin ni David ng ‘magkakiss’ bago lumabas si Sanya sa eksena, di ko sure kung dapat ba pumikit ako o dumilat kase si David, nakadilat at nakatingin lang saken. BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!” saad ni Barbie.

Dagdag pa niya: “Nataranta si self ng very light hahahaha!!”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Pero kung pagbabatayan ang komento ng mga netizen, tila dismayado sila at nanghihinayang na hindi naibigay ni Barbie ang inaasahan nilang eksena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Magaling ka B,  pero sana may makita pa kaming iba pang di mo pa nagagawa, lalo na yung mga hinihingi tlga sa eksena () kasi kung di nman maibibigay wag na gawin,  ok nman samin hug or forehead kiss.. wag lang fake kiss kc nacocompromise ung ganda ng scene ”

"Barbie & David's emotional display in the scene left me speechless and in awe, ang galing grabe, until the fake kiss scene. For the writer, a hug displaying the same level of emotions will suffice next time."

"Nataranta din ako kala ko talaga real kiss na."

"Amaccana."

"sayang yung ganda ng scene dahil sa fake kiss eh  just saying"

"Wala e daya Naman ung kiss Nayan laging ganon"

"ASAN YUNG 'KISS'?"

"Actually din hindi namin kailangan ng BTS nyo ni David hehe, ang inaabangin ng ibang viewers ay yung kwento ni Hiroshi at Adelina sa Pulang Araw, hindi lang naman fans niyo ang nanood na gusto kilig kiligan lang"

"Bakit kaya hindi nalang mag kiss kahit smack lang kung professional artist naman sila wala naman malisya doon lalo kasama naman sa eksena? "

"Nugagawen sa fake kiss"

"Sana  bago matapos ang Pulang Araw mag kiss sana kayong dalawa pakiligin nmn  ninyo nang bongga ang mga Fans wala naman mwawala sa kiss pag nahugasan yan wala na #PulangAraw"

"edi wow gusto mo rin naman mag pakasta kunwari kapa"

“Hindi nman TOTOONG kiss ang ginawa mo. Sayang ang eksena na yan. Hay!”

Matatandaang nagsimulang mag-boom ang love team nina David at Barbie nang magkasama sila sa hit fantasy-dramang “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network noong 2023.

Gayunman, sa kabila ng tagumpay ng kanilang love team, mananatil umano ang puso ni Barbie sa jowa niyang si Jak Roberto.

MAKI-BALITA: Barbie Forteza, nagpapasalamat sa 'FiLay', pero 'BarJak' pa rin