September 13, 2024

Home FEATURES Trending

Mister, nagtrabaho ng 1 linggo pero 1 taon ang pahinga

Mister, nagtrabaho ng 1 linggo pero 1 taon ang pahinga
file

Saan ka makakahanap ng isang linggo ka lang magtatrabaho pero isang taon ang pahinga? 

Binalikan ng isang netizen ang kwento sa "Face2Face" ni Karla Estrada ang kwento tungkol sa mag-asawang sina Larry at Ara. 

Sa isang Facebook group, ibinahagi ng netizen ang quote card ng TV5 kung saan makikita ang sagutan ng mag-asawa. 

"Nagtatrabaho naman daw," sey ni Karla.

Trending

'Ihi lang daw?' Post ng nanay na may nakita raw semilya sa ari ng anak, ikinaalarma

"Nagtatrabaho po 'yan ma'am ng isang linggo! Tapos ang pahinga niya isang taon!" ani Ara.

Sagot naman ni Larry, "Hindi totoo 'yan!"

Nangyari ang paghaharap ng mag-asawa noon pang nakaraang taon, Agosto 21. Sa buod ng Face2Face sa kanilang YouTube Channel, ikinuwento ni Larry na madalas siyang pagbuhatan ng kamay ni Ara. Pinukpok pa raw siya ng bote sa ulo at pinagtangkaan pang saksakin. 

Depensa si Ara, hindi na raw niya kaya dahil siya na lang daw ang gumagawa lahat sa kanilang bahay.

Hindi na rin daw umuuwi si Larry sa kanila dahil nga sinasaktan niya ito.

"Hindi niya ba deserve yan [masaktan]? Araw-araw umiinom simula umaga?" ayon sa galit na si Ara.

"Hindi totoo 'yan... Lahat naman ng kinikita ko binigay ko sa'yo eh. Magkulang nga lang ng P300, nagagalit ka na. Kumakain din ako sa trabaho. Alangang hindi ako mag-meryenda. Gusto mo kumpletong-kumpleto," depensa ni Larry.

Samantala, hindi naman nabanggit kung anong trabaho ni Larry.