September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart, nangangagat at palaban na: 'I bite now, in a very sweet way, pero masakit!'

Heart, nangangagat at palaban na: 'I bite now, in a very sweet way, pero masakit!'
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)

Palaban na raw ngayon si Kapuso star at fashion socialite na si Heart Evangelista-Escudero matapos magsalita patungkol sa pinag-usapang pagpapasuot niya ng luxury necklace sa pet dog aspin na si Panda.

Bagama't maraming napa-wow at napa-sanal all, marami rin ang umintrigang kesyo nagpapatutsada raw si Heart kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na endorser ng Bvlgari necklace, na nagkataon namang ipinasuot niya mismo kay Panda.

Hanggang ngayon kasi ay tila may "iringan" pa rin ang dalawa at pilit na pinagsasabong ng kani-kanilang fans. Nag-ugat ito sa pagkuha ni Pia sa dating glam team ni Heart na nakasamaan niya ng loob. Isa pa, parehong umeeksena sa global fashion world ang dalawang Pinay, na halos laging laman ng fashion week sa ibang bansa.

Anyway, paglilinaw ni Heart sa panayam ni Lhars Santiago na iniulat sa 24 Oras ng GMA Network, isipin na raw ng iba ang gusto nilang isipin subalit gagawin daw niya ang gusto niyang gawin sa necklace na hindi raw niya hiram, at binili niya noon pang panahon ng pandemya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinadya raw niyang pasuutan ng necklace si Panda upang ipakita sa lahat na kapag mahal mo ang isang tao o bagay gaya ng pet dog, ibibigay mo rito ang best. Gusto nga raw talaga niyang mapansin at makarating sa Paris ang kaniyang post. Aminado si Heart na spoiled sa kaniya si Panda.

Kung susuriin ang mga naging sagot ni Heart ay tila wala siyang pinabulaanan o inamin patungkol sa isyu ng pagpaparinig.

Sabi pa niya, palaban at marunong na siyang "mangagat" ngayon dahil ang mga tatahi-tahimik ay mas inaapak-apakan.

"At the end of the day, you know, kailangan naman din minsan, dapat palaban ka rin. Alam ko na rin kung paano 'pag hindi ka masyadong palaban, talagang natatapakan ka, so I bite now, in a very sweet way, pero masakit," makahulugang pahayag ni Heart.

Well, mukhang tumitindi pa ang "silent war" sa pagitan nina Heart at Pia, at sana naman ay magkaayos sila in the near future.

MAKI-BALITA: Pa-necklace ni Heart kay Panda, hindi hiram at pag-aari niya; may pinatamaan ba?