September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Grabe this! Pia Wurtzbach, 'pinapak' ng mister na si Jeremy Jauncey sa elevator

'Grabe this! Pia Wurtzbach, 'pinapak' ng mister na si Jeremy Jauncey sa elevator
Photo courtesy: Pia Wurtzbach (IG)

Kinakiligan ng mga netizen ang lambingan ng mag-asawang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey habang nasa loob ng isang elevator The Alpina Gstaad sa Switzerland.

Makikitang habang nagmi-mirror selfie sa loob ng elevator si Pia ay nakalapat naman ang mga labi ng kaniyang mister sa kaniyang pisngi.

Biro ng mga netizen ay halos papakin na raw ni Jeremy ang kaniyang misis na Miss Universe 2015.

"Just keep swiping ," pilyang caption ni Pia sa Instagram post.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"May kilala ako hindi kaya irub ang face sa asawa. Larooooo"

"Pia is my patron saint"

"The biggest flex and the best thing anyone can wear…a genuinely happy life."

"Let’s protect this couple at all costs."

"Naku nakaka inggit naman Queen … ang guapo kasi ni hubs .. perfectly matched talaga parehong maganda"

Hindi ito ang unang beses na nag-flex si Pia ng PDA o public display of affection nilang mag-asawa.