September 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EA Guzman, papalakpak sa lahat ng tagumpay ni Shaira Diaz

EA Guzman, papalakpak sa lahat ng tagumpay ni Shaira Diaz
Photo Courtesy: EA Guzman (IG)

Nagpaabot ng madamdaming mensahe si Kapuso actor EA Guzman para sa jowa niyang si Shaira Diaz na nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management, sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City. 

Sa Instagram post ni EA noong Biyernes, Agosto 23, sinariwa niya ang tanong sa kaniya ni Shaira noong magpasya itong mag-aral ulit.

“Ang hindi ko makakalimutan na tanong mo sakin bago ka mag aral ulit, ‘Baba kaya ko ba? Kakayanin ko ba pagsabayin?’. Maraming pagaalinlangan pero eto oh, BABA KINAYA MO at NATAPOS MO! ” saad ni EA.

“Nakita ko kung pano mo pinaghirapan ‘to. Kahit walang tulog ok lang matapos mo lang pag aaral mo. Nakakaproud ka. Isa ako sa pinakamasayang tao para sa’yo. IKAW ANG IDOL KO ” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Geneva Cruz, bukas pa rin ang puso sa true love

Dagdag pa ng aktor: “Andito lang ako palagi, papalakpak sa lahat ng tagumpay mo sa buhay. Mahal na mahal kita.”

“THANK YOU sa suporta at sa pagtitiwala baba. Mahal na mahal kita! ” tugon naman ni Shaira

Tila malapit nang lumagay sa tahimik ang celebrity couple. Matatandaang noong Pebrero ay inanunsiyo nina EA at Shaira sa “Unang Hirit” na engage na raw sila noon pang Disyembre 2021.

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, tatanggihan daw sana proposal ni EA Guzman?