September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Di pa nga nanganganak: Camille, tsinugi na sa Batang Quiapo

Di pa nga nanganganak: Camille, tsinugi na sa Batang Quiapo
Photo courtesy: Dreamscape Entertainment (FB)

Nalungkot ang avid viewers ng "FPJ's Batang Quiapo" nang patayin na ang karakter ni "Camille" na ginagampanan ni Yukii Takahashi, ang buntis na partner ni "David" na ginagampanan naman ni McCoy De Leon.

"Maraming salamat, Yukii Takahashi (@yukiiitakahashi) sa pagiging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo. Hanggang sa muli, Camille!" mababasa sa Facebook post ng Dreamscape Entertainment, ang production unit ng ABS-CBN na nasa likod ng produksyon ng serye. 

Maraming salamat, Yukii Takahashi... - Dreamscape Entertainment | Facebook

Sa kuwento, tinuluyan na ni David si Camille nang saktan niya ito matapos tangkaing pigilan ang kasal nila ni "Katherine" na ginagampanan naman ni Ara Davao, na anak ng beteranong aktor at direktor na si Ricky Davao. 

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Marami naman sa mga netizen ang nalungkot sa pagpanaw ng karakter ni Camille dahil inaabangan pa naman daw nila ang panganganak nito, na halos isang taon na ring buntis.

"Namatay na't lahat hindi man lang nanganak?"

"KAKAINIS NAMAN. HINDI NABIGYAN NG KATARUNGAN ANG CHARACTER NI CAMILLE."

"isang taon namin hinintay namin ang panganganak ni camille tapos papatayin lang."

"Tagal nmin inantay panganagnak nya tas gnun din pla mawawala na xa sa batang quiapo iba ka tlga david tumira (silent killer)."

"Sana buhay pa Ang director ng palabas nato paki Sabi sa kanya Wala siyang kwenta imagine pinaabot ng Isang taon Ang pagbubuntis ni camille tpos Ang ending papatayin lang sya asan hustisya nito inuuto lng Tayo ng ABS CBN."

Pero sa panayam kay Camille, sa kuwento raw mismo ay wala pa siyang 50 araw na nagdadalantao.

MAKI-BALITA: 'Camille' ng Batang Quiapo, mag-isang taon nang buntis: 'Paanakin n'yo na!'

MAKI-BALITA: 'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

Wala pang balita kung may kasunod na proyekto na i-aalok kay Yukii ang Dreamscape o ibang production unit ng ABS-CBN.