September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Carmina Villaroel, bet si Michael Sager para sa anak na si Cassy Legaspi?

Carmina Villaroel, bet si Michael Sager para sa anak na si Cassy Legaspi?
Photo Courtesy: GMA Network

Inamin ni Kapuso Sparkle artist Michael Sager na sobra raw siyang pinagpala dahil boto umano sa kaniya ang mga magulang ni Cassy Legaspi. 

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, ikinuwento ni Michael na hindi raw niya inakalang mapapalapit ang loob niya kina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

“Si Tita Mina, I first worked with her sa Abot-Kamay [na Pangarap] and I didn't know na we will have a close relationship together. Same with Tito Z,” kuwento ni Michael.

Dagdag pa ng aktor: “Since I'm alone in the Philippines, my parents are in Canada, to me, they are parent figures and they always look out for me and I really appreciate that.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Kung tatanungin daw siya hypthetically nina Carmina at Zoren kung mahal ba niya si Cassy, yes umano ang isasagot niya.

Sa kasalukuyan, very happy daw ang puso ni Michael at may something special umanong namamagitan sa kanila ni Cassy.

“It's great being able to work with her and to have her as a friend,” saad pa niya.

Matatandaang nauna nang aminin ni Michael na posible umano siyang ma-fall kay Cassy nang ma-hotseat siya sa isang episode ng “Sarap ‘Di ba?” noong Enero.

MAKI-BALITA: Wala raw respeto? Carmina sinita sa pag-ship sa anak kay Michael Sager