September 20, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Action star ang datingan! Daniel Padilla, susunod sa yapak nina Robin at Rustom?

Action star ang datingan! Daniel Padilla, susunod sa yapak nina Robin at Rustom?
Photo courtesy: Screenshot from Star Creatives (FB)/GMA Network

Inilabas na nga ng Star Creatives, isa sa mga production units ng ABS-CBN, ang teaser para sa bagong action-drama series na kanilang handog matapos ang matagumpay na "Can't Buy Me Love."

May pamagat na "Incognito," ang action-drama series ay pinangungunahan nina Richard Gutierrez at nagbabalik-telebisyong si Daniel Padilla.

Kasama rin dito sina Baron Geisler, Ian Veneracion, at mula sa CBML na sina Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.

Batay sa teaser ay mukhang mapapasabak sa action ang mga nabanggit na stars, kabilang na si DJ, na first time sasabak sa ganitong hardcore action series.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sabi nga ng fans, mukhang sumusunod na sa yapak ng kaniyang mga tiyuhing sina Sen. Robin Padilla at Rustom Padilla, noon, ang kanilang pamangking mas nakilala sa romantic drama.

Si Robin, bago maging senador ay isang certified action star. 

Si Rustom, bukod sa pagiging matinee idol ay isang action star din noon, bago pa siya maging Bibi Gandanghari ngayon at kasalukuyang nakabase sa States.

Nag-iba rin ng hairstyle si DJ para umakma sa role niya sa upcoming series.

Ito ang muling pagbabalik-teleserye ni Daniel matapos ang "Good 2 Be True" na huling serye nila ng ex-girlfriend at katambal na si Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: 'He's back-bakan na!' Daniel Padilla, may tatlong 'bago'