December 23, 2024

Home BALITA National

Tumulong kina Sheila Guo at Cassandra Ong sa Indonesia, dating POGO president--PAOCC

Tumulong kina Sheila Guo at Cassandra Ong sa Indonesia, dating POGO president--PAOCC

Ang Singaporean national na tumulong umano kina Sheila Guo at Cassandra Ong sa Indonesia ay dating presidente ng isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at wanted din dito sa Pilipinas, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Nitong Biyernes, Agosto 23, base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Safar Godam, Director of Immigration Supervision and Enforcement ng Indonesia, na tinulungan ng isang Singaporean national sina Sheila at Cassandra para makapag-book ng hotel sa Batam, Indonesia.

"There was a person named ZJ (Singaporean citizen) who booked four rooms at the Harris Hotel Batam Center for the last 3 days. From the results of checking CCTV, it was found that ZJ was the party who helped them to make hotel reservations," ani Godam.

BASAHIN: 'Suspicious' daw: Indonesian authorities, idinetalye paano nahuli kasamahan ni Alice Guo

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon naman sa spokesperson ng PAOCC na si Winston Casio, ang tinutukoy ng awtoridad ng Indonesia na "ZJ" ay possibleng si "Zhang Jie," na dating presidente umano ng isang POGO na Lucky South 99. 

Matatandaang ang Lucky South 99, kung saan ang authorized representative nito ay si Ong, ay ni-raid ng awtoridad ng Pilipinas noong Hunyo dahil sa umano'y torture, scam, at human trafficking.

Naging matunog din ang naturang kompanya nang isiwalat ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na si dating presidential spokesperson Harry Roque ang nakipag-ugnayan sa ngalan ng Lucky South 99 na matatagpuan sa Pampanga.

BASAHIN: Harry Roque, may kinalaman nga ba sa lisensya ng iligal POGO hub sa Pampanga?

Gayunman, itinanggi ni Roque na hindi siya ang legal counsel ng Lucky South 99 o ng anumang iligal na POGO.

BASAHIN: Roque, itinangging legal counsel siya ng isang iligal na POGO