September 20, 2024

Home SPORTS

Pangalawang SUV na! Carlos Yulo, binigyan ng bagong Chery Tiggo 7 Pro

Pangalawang SUV na! Carlos Yulo, binigyan ng bagong Chery Tiggo 7 Pro
Photo courtesy: Chery Auto Philippines (FB)

Panibagong nakalululang reward na naman ang natanggap ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos siyang pagkalooban ng brand new Chery Tiggo 7 Pro, ayon sa anunsyo ng Chery Auto Philippines.

Ang nabanggit na bagong kotse ay pangalawa na ni Yulo matapos maunang magbigay sa kaniya ang Toyota Motor Philippines ng Toyota Land Cruiser Prado, na may presyong ₱5M.

MAKI-BALITA: Toyota Motor Philippines, bibigyan ng ₱5M-worth na SUV si Carlos Yulo!

Kaya hindi na problema ng atleta kung sakaling kabilang sa number coding ang naunang sasakyan, dahil may pamalit na siya, na kayang magsakay ng lima. Ang magagandang katangian ng sasakyan ay panoramic sunroof, stylish looks, powerful Euro 5 compliant engine, at great safety features.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dumalo sa turn-over ceremony sina UAAGI Chairman Rommel L. Sytin, Group Managing Director Froilan Dytianquin, Chief Marketing Executive & Senior Vice President Lyn Manalansang-Buena, at si Senador Francis Tolentino.

Magkano naman ang Chery Tiggo 7 Pro? Tinatayang aabot ang isa nito mula ₱1,250,000 hanggang ₱1,350,000, depende sa variant. May dalawang variant ang nabanggit na sasakyan: regular ICE Tiggo 7 Pro at Tiggo 7 Pro (mild) Hybrid.

Congratulations, Caloy!