September 13, 2024

Home BALITA National

Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!
(File photo)

Matapos mahuli sa Indonesia, nakabalik na sa Pilipinas ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Sheila at kaibigan nitong si Cassandra Li Ong.

Nakabalik sina Sheila at Cassandra Pilipinas nitong Huwebes ng hapon, Agosto 22.

Matatandaang nitong Huwebes ng umaga nang ianunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nabalitaan niya sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 21, ang pagkahuli sa dalawang kasama ni Guo.

MAKI-BALITA: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Ito ay nangyari ilang araw matapos isiwalat ni Senador Risa Hontiveros noong Lunes, Agosto 18, na na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

**Ito ay isang developing story