September 12, 2024

Home BALITA National

'May ebidensya!' Alice Guo, namataan sa Kuala Lumpur airport noong Hulyo -- PAOCC

'May ebidensya!' Alice Guo, namataan sa Kuala Lumpur airport noong Hulyo -- PAOCC
(Photo courtesy: PAOCC via GMA News; File photo)

Naglabas ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng ebidensyang namataan si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia noong Hulyo 21, 2024.

Sa ulat ng GMA News, ipinakita ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz nitong Huwebes, Agosto 22, ang larawang kuha umano sa loob ng Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia.

Makikita sa larawang may kausap si Guo na isang babae habang naghihintay daw sila ng kanilang flight sakay ng Jet Star Asia airways flight 686 patungong Singapore.

Ayon din sa mga ulat, sinasabing si Cassandra Li Ong umano ang naturang babaeng kausap ni Guo sa larawan.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Matatandaang noong Lunes, Agosto 19, nang isiwalat ni Senador Risa Hontiveros na nakaalis na ng bansa si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Kaugnay nito, nito lamang ding Huwebes ng umaga nang isiwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nabalitaan niya sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 21, ang pagkahuli sa dalawang kasama ni Guo.

MAKI-BALITA: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office

Kinumpirma rin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa ilalim na ng kustodiya ng Indonesia ang mga kasama ni Guo na sina Cassandra Li Ong at ang kapatid daw ng pinatalsik na alkalde na si Sheila Guo.

MAKI-BALITA: Kapatid ni Alice Guo, kasama sa 2 nahuli sa Indonesia