September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Caloy walang treat sa pamilya, 'di raw kawalan! Madir, biglang endorser na ng spa?

Caloy walang treat sa pamilya, 'di raw kawalan! Madir, biglang endorser na ng spa?
Photo courtesy: Nol Montalbo/Mont Albo Massage Hut (FB)

Maraming natuwa sa ibinigay na family treat sa pamilya Yulo at Poquiz ng may-ari ng Mont Albo Massage Hut spa na si Nol Montalbo, dulot na rin ng panalo ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics, para sa floor exercise at vault ng men's artistic gymnastics.

Makikita sa personal Facebook account ni Montalbo ang personal niyang pagsadya sa Market Market branch sa Makati City ng kaniyang massage hut upang personal na tanggapin at harapin ang pamilya ni Caloy, lalo na ang kaniyang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo, dalawang kapatid na sumusunod sa yapak niyang sina Elaiza at Karl Eldrew, at iba pang miyembro ng Poquiz at Yulo clan.

Nangyari ito noong Martes, Agosto 20.

Bringing families closer, one hilot at a... - Mont Albo Massage Hut | Facebook

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Talagang pampered at na-refresh ang pamilya ni "Golden Boy" dahil ayon sa post ni Montalbo, katuwaan sa puso niyang i-treat ang pamilya ng world champions, lalo na ang pamilya ni Caloy. Hindi naman lingid sa karamihan ang nangyaring kontrobersiya sa pagitan ng anak, ng nanay, at ng kaniyang partner simula nang manalo siya sa Olympics.

Makikitang talagang inasikaso nang husto ng mga staff ni Montalbo ang pamilya ni Caloy, subalit kapansin-pansing hindi nila kasama ang two-time Olympic gold medalist.

Makikita rin sa official Facebook page ng spa ang pagpamper nila sa pamilya Poquiz at Yulo, na may caption na "Bringing families closer, one hilot at a time Yulo x Poquiz x Mont Albo. Build strong family bonds in your community..."

Sa isang personal na Facebook post ay makikita ang mga larawan ni Montalbo kasama ang pamilya ni Caloy.

"It was a joy to meet this family of champions " aniya.

"Dreams require hard work, patience and faith, but the journey is always worth the wait."

Nol Montalbo - It was a joy to meet this family of champions ... | Facebook

Sa comment section ay personal namang nagpasalamat sa kaniya si Angelica Yulo.

"Thank you so much sir. God bless your kind heart " anang madir ni Caloy.

"Salamat din po ma’am! More blessings and success to Yulo and Poquiz families " tugon naman ni Montalbo.

Facebook

Ibinahagi rin ng spa owner sa reels ang isang video ng pagsadya ng pamilya ni Caloy sa kaniyang spa.

"Families that pamper together, stay together," caption dito ni Nol.

Ilang netizens naman ang hinahanap si Caloy sa nabanggit na bonding, subalit ang pabirong hirit ni Montalbo, "Nandyan sa video. Hanapin mo lang."

Pero giit ni Montalbo na wala siyang masamang tinapay kay Carlos at walang masamang ibig sabihin ang pagbibigay niya ng libreng family treat sa pamilya nito. 

Komento naman ng mga netizen, mas mainam pa raw ang ibang tao dahil na-treat na ang pamilya ni Caloy, kaysa sa mismong anak, na wala pa raw napababalitang libre o reunion man lamang sa kaniyang pamilya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Hindi na nila pamilya un iniwan na sila may million na at may milk tea na."

"ayaw nila kay caloy itinakwil nila sya matagal na hindi kinilalang parte ng pamilya"

"Buti pa ibang tao nabibigyan cla ng kasiyahan kahit panandalian lng pero ung iniluwal nilang anak wa pakits sa magulang. Enjoy lng one day Caloy will realized Gold can't buy happiness and memories with the families."

"Wag na hanapin sa Caloy may sarili na siyang mundo."

"Caloy,your family is waiting for you we'll be happy to see you together again and have forgiven each other,,,life is short..."

Samantala, isang Facebook page naman ang nagsabing tila kinuha na raw endorser ng nabanggit na spa si Angelica Yulo pati na rin ang kaniyang pamilya.

Saad pa sa post ng "Connect TV," malaking bagay at oportunidad na raw ito lalo't may kinakaharap na hamon o challenge ang kabuhayan ng pamilya.

Mababasa, "Mukhang naging isang magandang oportunidad para sa pamilya Yulo ang pagiging endorser ng MontAlbo Massage Hut. Talagang fresh at blooming ang mommy ni Carlos Yulo, si Angelica Yulo, na ngayon ay isa nang endorser ng sikat na massage shop na ito. Malaking tulong at blessing ito sa kanilang pamilya, lalo na't nabanggit na ang kanilang hanapbuhay ay medyo hamon. Ang pagiging bahagi ng MontAlbo family ay tiyak na isang malaking karangalan at dagdag sa kanilang tagumpay. Congratulations sa Family Yulo sa bagong oportunidad na ito!"

Tila marami naman ang naniwala sa post na endorser na nga ng spa si Mother Yulo, at nagbitiw pa ng salita ang ilan na hindi na raw kawalan si Caloy dahil kusa nang lalapit ang mga oportunidad sa pamilya, kung hindi pa sila nagkakaayos-ayos.

Kung babalikan naman ang previous posts ng spa owner, maging sa Facebook page ng massage hut, walang makikita o binabanggit na kinuha nilang endorser si Angelica o kahit na sino sa pamilya nito, maliban nga sa libreng pa-pamper nila sa kanila. 

Matatandaang hanggang sa pagsalubong sa mga atletang Pilipino hanggang sa parada sa Maynila ay nagkaroon pa ng isyu, matapos pigilan daw ang pamilya ni Caloy na sumama pa rito. 

MAKI-BALITA: 'Sino nag-utos?' Pamilya ni Carlos Yulo hinarang, 'di pinayagang sumama sa salubong

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinasalamatan ang ama matapos siyang abangan sa parada

MAKI-BALITA: Tatay ni Carlos Yulo, nakiusap sa anak na mag-usap na sila ng nanay, mga utol niya

Nakipag-ugnayan ang Balita kay Nol Montalbo upang kumpirmahin kung bukod ba sa libreng family treat sa mga Poquiz at Yulo, ay kung totoo ba ang sinasabi sa page na endorser na ng spa niya si Mommy Angelica. Wala pang tugon ang spa owner tungkol dito.