Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa Surigao del Norte nitong Huwebes ng madaling araw, Agosto 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:37 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 13 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.