September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Pinilit ma-penetrate sa makipot na west point?' Post ni Ogie, nakakaintriga

'Pinilit ma-penetrate sa makipot na west point?' Post ni Ogie, nakakaintriga
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/Freepik

Nakakaintriga ang post ni showbiz insider Ogie Diaz na ibinahagi niya sa kaniyang "My Day" sa Facebook account.

Blind item ang atake nito, subalit mapapaisip ang sinumang babae kung para kanino, o sino sa dalawang hot topic ngayon patungkol sa sexual harassment o rape ang tinutukoy rito.

Wala rin kasing hint si Ogie kung babae o lalaki ba ang tinutukoy rito, pero ang tiyak, tungkol ito sa "penetration" o pagpasok ng ari sa "lagusan" ng isang tao.

Aniya, "Hindi naman sana totoong nagkaroon ng penetration or pinilit na mai-penetrate yung hukbong sandatahang lakas sa makipot na west point nung tao."

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

"Grabehan na talaga pag nagkataon. Kahit walang penetration basta idinikit daw ang property sa lagusan del norte, it's still considered ar-ey-pi-i."

"True ba?"

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (FB)

Samantala, hindi naman nagbigay ng clue si Ogie kung sino ang tinutukoy niya, pero kamakailan lamang ay naging matunog ang pangalan nina Sandro Muhlach at Gerald Santos patungkol sa naranasan nilang sexual harassment at rape, sa ilang mga personalidad sa showbiz.

MAKI-BALITA: Matapos amining na-rape: Gerald Santos, humingi ng tulong kina Robin Padilla, Jinggoy Estrada

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso sa DOJ vs GMA independent contractors