September 20, 2024

Home BALITA Metro

‘The one that got away!’ Lalaki tinangayan ng kotse ng mismong ka-date niya

<b>‘The one that got away!’ Lalaki tinangayan ng kotse ng mismong ka-date niya</b>
(Istock image)

Tila “TOTGA” umano ang nangyari sa date ng isang lalaki matapos itakbo ng kanyang ka-date ang kotse niya sa isang hotel sa Malate, Maynila noong Agosto 14.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, lumabas sa imbestigasyon ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Manila Police District, sa parking area ng hotel daw nangyari ang pagtangay sa SUV ng biktima, matapos nitong makatulog habang naka-check in sa hotel room.

Kinabukasan pa nalaman ng biktima na tinangay na pala ng babaeng ka-date ang kaniyang kotse. Agad siyang humingi ng tulong sa pulisya at batay sa isinagawang backtracking, nakuha sa CCTV na ang kanyang ka-date ang salarin.

Lumalabas sa imbestigasyon na may motibo na raw ang babae na tangayin ang SUV bago pa man sila magkita ng biktima. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Natimbog ang suspek na umaming dulot ng pangangailangan sa pera kaya siya nagka interest na itakbo at isangla ang kotse ng biktima.

Patuloy pa ring pinaghahanap ng awtoridad ang nawawalang sasakyan. Kasalukuyan siyang nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016. 

Kate Garcia