Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Agosto 20.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:59 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 57 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 19 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.
Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur noong Agosto 3, 2024.
MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH