November 25, 2024

Home BALITA National

Matapos lumabas ni 'Dindo': PAGASA, may binabantayang bagong LPA sa loob ng PAR

Matapos lumabas ni 'Dindo': PAGASA, may binabantayang bagong LPA sa loob ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Matapos lumabas ng Philippine area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dindo nitong Lunes, Agosto 19, isang bagong low pressure area (LPA) naman ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng PAR.

Sa Public weather forecast ng PAGASA bandang 5:00 ng umaga nitong Martes, Agosto 20, inihayag ni Weather Specialist Rhea Torres na huling namataan ang naturang LPA 1,030 kilometro ang layo sa east northeast ng Extreme Northern Luzon.

Mababa naman daw ang tsansang maging bagyo ang LPA at wala itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, ayon sa PAGASA, ang southwest monsoon o habagat at localized thunderstorms ang nakaaapekto sa bansa.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Kaugnay nito, inaasahan daw na magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan namang magdadala ang localized thunderstorms ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.