September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Sexual opportunist?' Isa pang biktima umano ni Juan Miguel Severo, lumantad!

'Sexual opportunist?' Isa pang biktima umano ni Juan Miguel Severo, lumantad!
Photo Courtesy: Juan Miguel Severo (FB)

Nagsalita ang isa pa umanong biktima ng pananamantala ng sikat na spoken word poetry artist na si Juan Miguel Severo matapos nitong ianunsiyo ang kaniyang paparating na pagtatanghal na gaganapin sa Caloocan City sa Agosto 30.

Sa X post ng nagngangalang “@joummlnsn” noong Sabado, Agosto 17, ibinahagi niya ang screenshot ng mga convo nila ni Severo.

Ayon sa kaniya, nangyari umano sa Aklan ang nasabing pananamantala noon pang Abril 2017. Nag-match umano sila sa dating app na Tinder at bilang fan ay minensahe raw niya si Severo para sabihin kung gaano niya hinahangaan ang huli.

Hanggang sa nagpumilit umanong makipagkita sa kaniya si Severo na akala raw niya ay mag-uusap lang sila. Ngunit niyaya raw siya nito sa tinutuluyang hotel room nito at doon na siya pinagsamantalahan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“In case anyone forgot, Juan Miguel Severo is a sexual opportunist. I was one of his victims. Today, I'm coming forward. He was 28 at that time, and I was 16,” saad ni @joummlnsn.

Dagdag pa niya: “With his recent desperate attempt to salvage his career, he cannot simply walk away freely from us, his victims.”

Matatandaang nauna nang lumitaw ang alegasyong sexual harassment kay Severo noong 2021 matapos ang sunod-sunod na cryptic post ni “Gaya sa Pelikula” star Paolo Pangilinan tungkol sa isa umanong “harasser.” 

Pagkatapos nito ay naglabas ng pahayag ang grupong “Word Anonymous” para putulin ang koneksyon nila kay Severo.

Pero hanggang sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Severo kaugnay sa nasabing isyu.