September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Netizens, inurirat kung sino ang batang babaeng kasama nina Aljur at AJ

Netizens, inurirat kung sino ang batang babaeng kasama nina Aljur at AJ

"Sino 'yan, anak n'yo?"

Inusisa ng mga marites na netizen ang mag-jowang sina Aljur Abrenica at AJ Raval kung sino ang kasa-kasama nilang batang babae sa TikTok video, ayon sa ulat ng Fashion Pulis.

Photo courtesy: TikTok via Fashion Pulis

Sa nabanggit na video, makikitang magkasama sina Aljur at AJ habang nakahawak sa kamay ng aktres na may suot na face mask.

Ang nabanggit na event daw naganap sa Subic, Zambales kamakailan. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dinumog ng tanong ang mag-jowa kung kaano-ano nila ang bata.

"Anak nyo?"

"sino ung bata?"

"Yan na ba anak nyo?"

"panganay nya Yan Batang babae?"

"Siya na ba?"

Pero may ilang netizens din ang dudang anak ng dalawa ang batang babae dahil masyado naman daw itong malaki na.

Matatandaang nagkaroon ng tsika noon na nagdalantao si AJ sa relasyon nila ni Aljur at nanganak na raw siya at itinago lamang, batay na rin sa pagsisiwalat ng batikang showbiz insider na si Cristy Fermin.

Lalong lumutang ang espekulasyong totoo ito nang magpatanggal ng breast implant ang Vivamax star, na ang katwiran niya, ay masyado nang mabigat. Sapantaha ng netizens, baka raw kaya mabigat ay dahil isa na siyang padede mom.

Pero mariin itong itinanggi ni AJ at pinasinungalingan ang mga kumakalat na tsika. Nag-post pa siya ng videos at larawan na flat ang kaniyang tiyan at hindi totoong nagbuntis o nanganak na siya.

Samantala, wala pang sagot sina AJ at Aljur sa mga tanong ng netizens sa identidad ng batang babae.

MAKI-BALITA: AJ Raval, tinawag umanong 'sira-ulo' mga nagsasabing nanganak siya: 'Nananahimik ako rito!'