September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Mga babae, sakit ng ulo kaya 'di niya kailangan sey ni Kokoy De Santos

Mga babae, sakit ng ulo kaya 'di niya kailangan sey ni Kokoy De Santos
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network

Nakakaloka ang hirit ng Kapuso actor na si Kokoy De Santos tungkol sa mga babae sa isang episode ng Running Man Philippines Season 2.

Sa naturang episode kasi ay hinulaan si Kokoy ni fortune teller at Feng Shui expert Park Seong-jun sa pamamagitan ng Saju reading.

Ayon kay Park Seong-jun: “Pagdating sa swerte mo this year, maraming babae na papasok sa buhay mo.”

“Mayro’n pa akong nakita sa kapalaran mo, puwede ka ring magkaanak this year. Kaya this year and next year, dapat palagi ka mag-iingat sa lahat ng bagay,” dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero tila hindi gusto ni Kokoy ang kapalarang naghihintay sa kaniya dahil hindi umano babae ang kailangan niya.

“Hindi ko kailangan ng babae, kailangan ko 'yong buhay ko gumanda,” aniya.

Dugtong pa ni Kokoy: “Bakit babae ibibigay mo? Sakit lang sa ulo 'yan. Lahat ng babae kokontrolin din ako, e. ‘Di wala rin. Diyos ko.”

Kaya naman humingi ng payo ang Kapuso actor kay Park Seong-jun upang mawala sa buhay niya ang paparating na kamalasan.

“Magdasal ka nang tahimik,” mungkahi ng fortune teller at Feng Shui expert.