September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kokoy De Santos, magkaka-baby ngayong 2024?

Kokoy De Santos, magkaka-baby ngayong 2024?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Freepik

Hinulaan umano ang Kapuso actor na si Kokoy De Santos na magkakaroon ng anak ngayong 2024 sa pamamagitan ng Saju reading.

Sa isang episode ng Running Man Philippines Season 2 kamakailan, sinabi umano ng fortune teller at Feng Shui expert na si Park Seong-jun ang nakita niyang kapalaran kay Kokoy.

“Pagdating sa swerte mo this year, maraming babae na papasok sa buhay mo,” saad ni Park Seong-jun.

Dagdag pa niya: “Mayro’n pa akong nakita sa kapalaran mo, puwede ka ring magkaanak this year. Kaya this year and next year, dapat palagi ka mag-iingat sa lahat ng bagay.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero tila hindi gusto ni Kokoy ang kapalarang naghihintay sa kaniya. Sabi niya kasi: “Hindi ko kailangan ng babae, kailangan ko 'yong buhay ko gumanda.”

“Bakit babae ibibigay mo? Sakit lang sa ulo 'yan. Lahat ng babae kokontrolin din ako, e. ‘Di wala rin. Diyos ko,” dugtong pa niya.

Anyway, mapapanood ang Running Man Philippines Season 2 sa GMA Network tuwing weekend, 7:15 ng gabi.