October 05, 2024

Home SPORTS

Kanseladong Day 2 ng UAAP MLBB tournament, muling itutuloy bilang “closed-door” match-up

<b>Kanseladong Day 2 ng UAAP MLBB tournament, muling itutuloy bilang “closed-door” match-up</b>
photo courtesy: The UAAP

Itutuloy ang day 2 ng UAAP Mobile Legends: BangBang competition sa pagitan ng University of the East at University of the Philippines ngayong Martes, Agosto 20.

Ang naturang kompetisyon ay nakatakdang gawin bilang closed door match-up. 

Nakansela noong Linggo ang dapat sana’y pagpapatuloy ng day 2 ng MLBB dahil sa technical issues. Inanunsyo sa kompetisyon ang desisyon, isang oras matapos ang laban ng National University kontra Ateneo de Manila University.

Samantala, kasalukuyan pa ring nangunguna sa torneo ang University of Santo Tomas at NU mula ng magsimula ang liga noong August 17. 

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Matatandaang binuksan na ng UAAP ang kanilang kauna-unahang collegiate Esports tournament noong August 13 na magtatapos sa August 21 na may tatlong division: Valorant, NBA2K at Mobile Legends: BangBang. 

Kate Garcia