September 20, 2024

Home SPORTS

Creamline Head Coach Sherwin Meneses, may pa-comeback sa UAAP matapos ang 8 taon

Creamline Head Coach Sherwin Meneses, may pa-comeback sa UAAP matapos ang 8 taon

"From champion to champion."

Iyan ang minamatahan ngayon ng volleyball fans sa kumpirmasyon ni Creamline Head Coach Sherin Meneses sa pagbabalik nito sa UAAP.

Ginulat ni Coach Sherwin ang volleyball fans nang opisyal niyang ianunsyo ang paghawak sa isa pang collegiate champion team. Nakatakda niyang hawakan ang National University Lady Bulldogs at inaasam na maihatid ang koponan sa “back to back” championship title.

Ito ang unang beses na muling pagtapak ni Coach Sherwin sa UAAP volleyball court matapos ang walong taon kung saan huli niyang pinamunuan ang Adamson Lady Falcons.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, inamin ni Coach Norman Miguel na change career umano ang kanyang dahilan kung bakit siya nag-step down bilang Head Coach ng Lady Bulldogs.

Kumpiyansa ang dating coach na kayang mapanatili ng NU ang korona dahil sa rosters na iiwan niya kung saan nanatili pa rin si reigning MVP Bella Belen at Best Opposite Spiker Alyssa Solomon, kasama ang mga veterans na si Erin Pangilinan, Sheena Toring at Camille Lamina.

Kate Garcia