September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Content creator, todo-tanggol kay Chloe sa choice na 'mayaman na juts' na jowa

Content creator, todo-tanggol kay Chloe sa choice na 'mayaman na juts' na jowa
Photo courtesy: Screenshots from Tiyo Bri (FB)

Dinepensahan ng content creator na si Tiyo Bri ang piniling choice ni Chloe San Jose tungkol sa "broken guy na daks" o "mayaman na juts."

Si Tiyo Bri kasi ang nasa likod ng nabanggit na content nang makapanayam niya si Chloe, hindi pa man nagaganap ang pamamayagpag nang husto ng partner niyang si two-time Olympic gold medalist Pinoy pride gymnast Carlos Yulo, dahil nga sa dobleng kampeonato sa 2024 Paris Olympics.

MAKI-BALITA: Chloe mas bet ‘mayaman na juts’ kaysa ‘broke guy na daks’

Ang broke guy ay tumutukoy sa kakapusan o kawalan ng pera subalit may malaking kargada, at ang juts naman ay tumutukoy sa maliit na notabels.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ang pinili ni Chloe ay "Mayaman na lang na juts."

Bukod dito, mapapanood din sa video ang tanong na "Kung ikaw ay aklat, kelan ka huling binuklat?"

Kuwelang sagot ni Chloe, "Kahapon!"

Matapos kalkalin ng mga netizen ang lumang video, naglabas naman ng reaction video si Tiyo Bri, lalo na't binabatikos si Chloe dahil sa kaniyang naging sagot.

Para kay Tiyo Bri, wala namang masama sa pinili ni Chloe dahil para sa kaniya, sa realidad daw ay walang pipili sa lalaking broke.

Facebook

Naghahanap lang daw ng "butas" ang bashers at haters ni Chloe para tirada rito, ngunit para sa content creator, hindi ito dapat makaapekto sa dinalang karangalan ng jowang si Carlos Yulo para sa bansa. 

Matatandaang naging isyu mula sa mga netizen ang tila "pagbakod" na raw ni Chloe sa kaniyang multi-millionaire na jowang si Caloy matapos ang iba't ibang rewards at cash incentives dulot ng pagkakapanalo ng dalawang gold medals sa Olympics.

Pero giit ni Caloy, may sariling trabaho at pera si Chloe kaya hindi dapat kuwestyunin kung anuman ang mga kaya nitong bilhin para sa sarili.