September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, may pa-dinner sa pamilya niya at pamilya ni Carlos Yulo?

Chloe San Jose, may pa-dinner sa pamilya niya at pamilya ni Carlos Yulo?
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nabanggit umano ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion sa panayam ng DWIZ na may inihahandang dinner si Chloe San Jose, partner ni two-time Olympic gold medalist at Pinoy pride gymnast Carlos Yulo, para sa pagkakaayos ng kaniyang pamilya at pamilya ng jowa.

Kinumpirma mismo ni Carrion ang tungkol sa umano'y balak ni Chloe na mapagsama-sama ang pamilya nila ng partner upang maayos na ang mga naganap na gusot sa kanilang pagitan.

Matatandaang nalagay sa kontrobersya ang dapat sana'y pagbubunyi ng bansa para sa record-breaking at makasaysayang panalo ni Yulo sa floor exercise at vault ng men's artistic gymnastics sa nagdaang 2024 Paris Olympics, dahil sa posts ng ina ni Caloy na si Angelica Yulo, laban sa anak at sa partner nito.

Lalo pang tumindi ang bangayan sa pagitan ng mag-ina nang pumalag si Chloe sa pamamagitan ng cryptic post, at magsalita sila ni Caloy sa TikTok Live. Kinabukasan, nagsalita naman ang ina ng atleta sa pamamagitan ng press conference kasama ang abogadong si Atty. Raymond Fortun.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'

Nakabalik na si Caloy sa bansa subalit wala pang balita ng pagkakaayos nila ng ina at ng partner.

Nag-alok na rin si dating Ilocos Sur governor Luis "Chavit" Singson ng ₱5M para kay Carlos para lamang sa pagkakaayos nila ng ina kasama si Chloe.

"Hon. Luis 'Chavit' Singson pledges a ₱5 million reward to two-time Olympic champion Carlos Yulo and his family, hoping to foster unity within the family after their personal disputes were publicly shared and debated on various social media platforms."

"Chavit, known for his strong commitment to family values, mentions that the reward is not only for Yulo's momentous achievements but also for the unity of Yulo's family and his partner."

"Chavit hopes that this reward will inspire others to cherish and support their loved ones, even in times of great endeavors and significant sacrifice," mababasa pa rito.

MAKI-BALITA: Chavit may pa-₱5M kay Carlos Yulo para sa unity ng pamilya at jowa

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula mismo kay Chloe o Caloy tungkol dito.