April 26, 2026

Home BALITA National

Sentro ng bagyong Dindo, nakalabas na ng PAR

Sentro ng bagyong Dindo, nakalabas na ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dindo nitong Lunes ng uamga, Agosto 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, nakalabas ng PAR ang Tropical Storm Dindo kaninag 9:00 ng umaga.

Ilalabas naman daw ng weather bureau ang kanilang final Tropical Cyclone Bulletin mamayang 11:00 ng umaga.

Matatandaang inihayag ng PAGASA sa kanilang weather forecast kaninang 5:00 ng umaga na nabuo ang bagyong Dindo noong Linggo ng gabi, Agosto 18.

Ang bagyong Dindo ang naging ikaapat na bagyo sa bansa.

National

Disente at sariling tahanan! PBBM, ibinida serbisyong pabahay ng pamahalaan