November 25, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng hapon, Agosto 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:15 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 26 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.