September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sey mo, Pia? Heart nagsalita sa isyu ng mamahaling kuwintas ni Panda

Sey mo, Pia? Heart nagsalita sa isyu ng mamahaling kuwintas ni Panda
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)/Vogue Philippines (IG)

Nagsalita na si Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista patungkol sa pinag-usapang luxury necklace na isinuot niya sa pet dog na si Panda, na ineendorso naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sey ni Heart sa kaniyang isinagawang live, sila ni Panda ang may-ari ng kuwintas kaya gagawin nila kung ano ang gustong gawin dito.

"I own the necklace, you know, I can do whatever I want and pull it out," pahayag ni Heart sa kaniyang TikTok Live habang umiinom sa mamahaling mug.

"Basically Panda owns the necklace..." dagdag pa ni Heart.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

(3)“I own the necklace. I can do whatever I want.” Booooommmmm. #hearteva... | Heart Evangelista | TikTok

Hindi naman inaddress ni Heart nang direkta ang pag-isyu ng mga netizen tungkol sa kanilang dalawa ni Pia.

Matatandaang nagsimula ang tila hidwaan sa pagitan nina Heart at Pia nang kunin ng beauty queen ang serbisyo ng dating glam team ng misis ni Senate President Chiz Escudero, na nakaalitan naman niya.

Simula noon ay lagi nang pinagtatapat ang dalawa lalo't pareho silang aktibo sa fashion world sa ibang bansa, at kinukuhang brand ambassador ng iba't ibang luxury brands.

MAKI-BALITA: 'Nagkataon lang?' Luxurious brand ng necklace na iniendorso ni Pia, suot ng aso ni Heart?