September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sey mo Caloy? Angelica Yulo, ibinida mga regalo sa kaniya ng mga anak

Sey mo Caloy? Angelica Yulo, ibinida mga regalo sa kaniya ng mga anak
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)

Usap-usapan ang latest Facebook post ng ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo patungkol sa mga regalong bag at rubber shoes na natanggap niya mula sa mga anak na sina Elaiza at Karl Yulo.

Sa kaniyang FB post noong Agosto 15, sinabi ni Angelica na speechless daw siya sa Guess bag na regalo sa kaniya ni Elaiza, na magagamit daw niya kapag dadalo siya sa mga party.

"Ma this is for you. You deserve it.," mababasang sabi raw ng kaniyang anak.

"Binili kita ng pwede mo magamit pag attend ka ng party pag pera kasi binigay ko sau di ka na naman bibili ng para sau. Gagamitin mo naman para sa amin."

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Yza: ma this is for you. You deserve... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Napa-thank you na lamang daw ang ina sa kaniyang anak.

Sa post naman niya nitong Sabado, Agosto 17, ay tila hindi nagpakabog ang anak na si Karl at binilhan naman siya ng sapatos.

"Yung Isang anak mo na di nagpakabog Kay Elaiza Yulo tapos Sabi pa nya sa akin mama 13k ang budget ko for you. Ok na to nak tabi no na ung ibang money mo. Alam ko kulang pa yan sau kasi akala mo anak ka ni Henry Sy sa lakas mong gumastos thank you so much Karl Yulo " bida ni Angelica.

Yung Isang anak mo na di nagpakabog Kay... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Marami naman ang pumuri sa mga anak ni Angelica dahil sa pagiging sweet daw nila sa kanilang ina. 

Sa isa pang post ay may pinasalamatan pa si Angelica matapos siyang bigyan ng dalawang sapatos, na para daw sa mga magulang ng Olympic medalists. 

"Thank you miss MJ Quiambao Reyes and to your friends for these. God bless your kind heart," aniya.

Thank you miss MJ Quiambao Reyes and to... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Sagot naman ng pinasalamatan, "No big deal (and no need to give me credit or post about it). All thanks to Street Swag Manila and Jerry for these tokens of appreciation (given to all the parents of our Olympic medalists). We wish you and your family all the best."

Kaya hindi naman tuloy maiwasang maikumpara kay Carlos Yulo na inaabangan ng mga netizen kung aambunan ba ng premyo ang ina o ang pamilya.