September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Kung hindi naging Superstar: Nora, ano nga bang bet na trabaho noon?

Kung hindi naging Superstar: Nora, ano nga bang bet na trabaho noon?
Photo Courtesy: Screenshots from Maricel Soriano (YT)

Ibinahagi ng National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na gusto raw sana niyang magturo noon.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Diamond star Maricel Soriano nitong Sabado, Agosto 18, sinabi ni Nora na wala raw talaga sa hinagap niya na mag-artista.

“Ang talagang gusto ko noong araw ay kahit anong trabaho ang ibigay sa akin ng Diyos, tatanggapin ko. Kasi dahil sa hirap ng buhay namin, gusto kong matulungan ang pamilya ko.

“So, gusto kong taga-turo. Teacher ng mga bata. Pero hindi naman nangyari ‘yon. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na subukan ‘yong pagkanta talaga. Pamilya kami na lahat kami kumakanta.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa niya: “Ang ginagawa namin, alas-sais magdi-dinner kami. Pagkatapos ng alas-sais bago kami matulog, magkakantahan kami. Kaya do’n ko nakita na ‘uy, mga mang-aawit pala talaga kami.’”

Pero tila bukod sa nagkataon daw na siya ang may pinakamagandang boses sa pamilya, siya rin umano ang may lakas ng loob para tumulong sa pamilya.

Matatandaang sumalang muna si Nora sa “Tawag ng Tanghalan” bago siya naging ganap na artista sa mga pelikula at serye.