September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe mas bet ‘mayaman na juts’ kaysa ‘broke guy na daks’

Chloe mas bet ‘mayaman na juts’ kaysa ‘broke guy na daks’
Photo courtesy: Screenshots from Tiyo Bri (FB)

Muling kumakalat sa social media at binabalikan ng mga netizen ang lumang video ng jowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose, matapos tanungin ng content creator na si "Tiyo Bri" kung ano ang mas prefer niya: "broke guy na daks" o "mayaman na juts."

Ang broke guy ay tumutukoy sa kakapusan o kawalan ng pera subalit may malaking kargada, at ang juts naman ay tumutukoy sa maliit na notabels.

Ang pinili ni Chloe ay "Mayaman na lang na juts."

Bukod dito, mapapanood din sa video ang tanong na "Kung ikaw ay aklat, kelan ka huling binuklat?"

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kuwelang sagot ni Chloe ay "Kahapon!"

Matatandaang naging isyu mula sa mga netizen ang tila "pagbakod" na raw ni Chloe sa kaniyang multi-millionaire na jowang si Caloy matapos ang iba't ibang rewards at cash incentives dulot ng pagkakapanalo ng dalawang gold medals sa Olympics.

Pero giit ni Caloy, may sariling trabaho at pera si Chloe kaya hindi dapat kuwestyunin kung anuman ang mga kaya nitong bilhin para sa sarili.