September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pokwang may hirit tungkol sa jowa ng atletang laging nakabuntot

Pokwang may hirit tungkol sa jowa ng atletang laging nakabuntot

Usap-usapan ang hirit na biro ng Kapuso comedy star-host na si Pokwang patungkol sa kung ano ang tawag sa jowa ng isang atletang laging nakasunod o nakabuntot.

Mababasa sa Instagram story ng komedyana, "Ano ang tawag sa jowa ng athlete na laging naka sunod??? Ano??? edi athlete's foot!!! nge.... ache che..."

Bagama't wala namang binanggit na pangalan, naiugnay ito ng mga netizen sa jowa ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, na si Chloe San Jose.

Matatandaang nakatatanggap ng kritisismo si Chloe na kesyo "papansin" at "pabida" dahil nakikisakay raw sa spotlight ngayon ng boyfriend.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, tinawag na 'papansin', 'pasikat' ng netizens

Pero paglilinaw ni Chloe, siya mismo ang tumatanggi sa mga alok na panayam ng media dahil ayaw niyang paratangan siyang sumasakay sa kasikatan ng jowa.

MAKI-BALITA: Chloe San Jose nanupalpal; 'di pabida, mang-aagaw ng spotlight ng jowa

Isa na nga sa nasampolan ay si GMA news anchor Mariz Umali nang harap-harapan niya itong tanggihan sa ambush interview, sa special coverage ng network sa salubong sa Filipino Olympians.

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, harap-harapang tinanggihan ambush interview ni Mariz Umali

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pokwang patungkol sa mga komento ng netizens na ang pinariringgan niya ay si Chloe nga. Wala pa ring reaksiyon dito sina Caloy at Chloe.